Pinoy MMA fighter Pacio target si former UFC star Demetrious Johnson

Pinoy MMA fighter Pacio target si former UFC star Demetrious Johnson

April 17, 2022 @ 2:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Interesado umano si Filipino ONE strawweight champion Joshua Pacio na makaharap si dating UFC fighter Demetrious Johnson.

Matatandaang nagpahayag ng interest si Pacio kay Johnson matapos itong magwagi sa laban nila ni Rodtang Jitmuangnon noong ONE X super fight.

Nagbigay pa ng suhestiyon si Pacio na maaaring sa unang round ay isagawa ang pure striking, sa round 2 naman ay grappling at sa round three ay wrestling.

Nangako si Pacio na paghahandaan niya ang laban nila ni Johnson sakaling maikasa ito sa lalong madaling panahon.JC