PINOY NA AYAW MAGPA-BAKUNA, NASA 8% NA LANG, AYON SA SWS

PINOY NA AYAW MAGPA-BAKUNA, NASA 8% NA LANG, AYON SA SWS

January 26, 2022 @ 9:08 AM 8 months ago


BUMABA ang bilang ng mga Pilipino na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

Batay sa resulta ng pinakahuling survey ng SWS o Social Weather Stations, walong porsyento (8%) na lamang ang ayaw magpabakuna.

Mas mababa ito kum­para sa 18% noong September 2021, 21% noong June 2021, at 33% noong May 2021.

Bumaba ang bilang ng mga Filipino na ayaw magpabakuna sa lahat ng parte ng Pilipinas.

Base pa sa survey, nasa 50% ang nagsabing nakatanggap na sila ng bakuna; 38% ang nakakuha ng dala­wang dose habang 13% ang isang dose pa lamang.

Sa datus naman ng mga hindi pa bakunado, 35% ang nagpahayag na nais makatanggap ng bakuna.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 adults sa buong bansa noong December 12 hanggang 16, 2021.

Nagpapatuloy pa rin ang pagkakasa ng gobyerno ng COVID-19 vaccination drive upang makamit ang population protection sa bansa. 
 
Lalo na ngayon, hindi na pinapayagan sumakay ang mga taong unvaccinated at walang maipakitang vaccination card kung sila ay sasakay sa mga public transportation at hindi rin pinapayagan pumasok sa mga mall pati na rin sa mga hotel at restaurant.

 

-ooOoo-

 

SALIVA TEST ISINULONG KONTA SELF-ADMINISTERED ANTIGEN

 

Hinikayat ng Philippine Red Cross ang Department of Health na gamitin ang saliva tests para mapataas ang kapasidad sa pag-detect ng COVID-19 infections sa bansa.

Bagama’t kinikilala ng organisasyon na mayroon pang on-going na pag-aaral ang Kagawaran tungkol sa homemade antigen tests, ay mas mura naman ang saliva test.

Mas maigi na gamitin ang saliva test sa halip na maglagay ng sariling administered antigen na ire-report mo pa ang naging resulta.

Pinayagan ng DOH ang PRC na magsagawa ng saliva testing, na nagkakaha­laga lamang ng dalawang libong piso (P2,000) kumpara sa RT-PCR tests na ang presyo ay nasa pagitan ng tatlong libo (P3,000) hanggang limang libong piso (P5,000).

Malaki ang paniniwala ng PRC na makatutulong ang testing upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa pero kinakailangan na abot-kamay ang halaga nito.