Manila, Philippines – Mas maraming Pinoy sa buong bansa ang nagsabing mas naging mahirap sila sa nakalipas na tatlong buwan ayon sa sarbey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) kahapon (July 21).
Nakita sa resulta ng sarbey, ang mayroong pinakamataas na bilang ng nagsabing sila ay mahirap ay ang Mindanao, Visayas at Metro Manila.
Ayon sa datos, mas dumami ang mga self-rated na mahihirap sa mga pamilyang Pinoy sa ikalawang quarter ng taon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin na siya ring nagpataas ng inflation sa limang taon nitong June.
Sa pagitan ng March at June, ang porsyento ng pamilyang kinokonsiderang sila ay mahirap ay tumaas mula sa 42%, o sa estimasyon ay nasa 9.8 milyong pamilya, ay naging 48% o sa estimasyon na 11.1 milyong pamilya.
Sa sarbey na isinagawa nitong June 27 hanggang 30, ipinakita rin na mas maraming Pinoy ang nagsabing sila ay food-poor o mga taong naniniwalang kumakain ng pangmahirap na pagkain.
Tumaas ang bilang nito na nasa 34%, o sa estimasyon na 7.8 milyong pamilyang Pinoy, kung saan ito ay mas mataas ng limang beses sa dating 29% o sa estimasyong 6.7 milyong pamilya nitong March. (Remate News Team)