Pinoy na nakulong sa Sydney tutulungan ng Phil. Consul

Pinoy na nakulong sa Sydney tutulungan ng Phil. Consul

September 16, 2020 @ 12:50 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umaasa ang isang Pinoy at dating mamahayag na mabibigyan ng hustisya ang kanyang kapatid na tinangayan na ng dalawang anak ay ikinulong pa sa  Sydney Australia.

Ito ay matapos na tumugon ang Philippine Consul sa Sydney  kung saan nakatakdang makipag-appointment  ang Consul kay Jess Garcia na kapatid ng ikinulong na si Inocencio “Coy” Garcia.

Ayon kay Jess , tumawag umano sa kanya ang Secretary ng Consul ng Sydney Australia upang ipaalam kung ano ang kanilang magagawa para  matulungan ang kapatid nito na nakakulong at maibalik na rin ang dalawang anak na tinangay noon pang 2014.

Una rito tinawagan ni Senator Bong Go,  ang Philippine  Consulate sa Sydney Australia kung saan  inatasan ng Senador na imbestigahan at tulungan ang Pinoy na tinangayan ng 2 anak at ipinakulong.

Aalamin naman  ni Senator Ramon  Revilla Jr.naman, sa  DFA sa darating  Biyernes sa isasagawang Budget Hearing kung anong tulong naman ang kanilang naibigay sa isang Pinoy na tinangayan ng 2 anak at ipinakulong pa.

Habang hunihingi naman ng kopya ng kaso si  Senator Imee Marcos upang pag-aralan ang tulong Legal para mabawi ang dalawang bata at mapalaya ang ikinulong na si Coy Garcia.

Naniniwala at umaasa naman si Garcia  na matutulongan ng gobyerno ang kanyang kapatid  at mabawi ang kanyang mga pamangkin.

Si Coy ay nasentensyahan  ng 14 months imprisonment ng walang bail at parole ng Mt.Druitt Sydney court noong September 3, 2020 dahil umano sa pagpost sa social media  ng larawan at pangalan  ng dalawa niyang anak na minor na kinidnap  ng Department of Children Services  (DoCS) , Family  Community Services and Justice personnel sa Australia habang siya ay nasa trabaho sa Windsor Toyota. Jocelyn tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...