Pinoy na sakay ng nagliyab na Taiwanese fishing boat, nawawala

Pinoy na sakay ng nagliyab na Taiwanese fishing boat, nawawala

November 8, 2022 @ 3:13 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nawawala ang Pilipinong crew member ng Taiwanese fishing boat matapos magliyab ang vessel habang binabaybay ang Northern Pacific Ocean nitong Linggo ayon sa Xinhua nitong Lunes.

Batay sa ulat, nagliyab ang Hsiang Ching fishing vessel na may 49-man crew halos 400 nautical miles east ng Kushiro Port sa Hokkaido.

Inihayag ngFisheries Agency sa ilalim nh Council of Agriculture na karamihan sa crew members ang ligtas at nasagip ng Chinese vessel Yong Fa 1 bago ilipat sa Hsiang Ching Tsai, isang Taiwanese fishing boat na pagmamay-ari ng parehong kompanya sa Hsiang Ching.

Sinabi pa ng ahensya na pinaghahanap pa ng ahensya ang nawawalang Pilipino hanggang nitong Lunes ng gabi. RNT/SA