Pinoy nagtapos ng perfect GPA sa MIT



Pinoy nagtapos ng perfect GPA sa MIT

June 6, 2021 @ 5:00 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nagtapos sa prestiyosong Massachusetts Institute of Technology (MIT) sa Cambridge, Massachusetts sa US ang isang Filipino student.

Hindi lang ito basta-basta graduation sa isang sikat na unibersidad, kundi nagtapos lang naman si Farrell Eldrian Wu, 20 anyos, ng perfect grade point average (GPA).

Nangangahulugan na simula nang maga-aral dito si Wu nakakuha siya ng straight “A” para makuha ang perfect na GPA na 5.0, ang pinakamataas na grado sa MIT.

Nagtapos si Wu sa MIT noong Hunyo 4, hindi lang sa isang degree kundi dalawa pa: Bachelor of Science in Computer Science and Engineering, at Bachelor of Science in Business Analytics, na may minor sa Economics.

Nagsimulang mag-aral si Wu sa MIT noong 2017 nang 17 anyos pa lang siya at kinailangan na lisanin ang pamilya para mag-aral.

“It’s been an exhilarating four years here, and I’m simply feeling very thankful for everyone who supported me, both back in the Philippines and at MIT. I’m very glad to have had such a fulfilling experience that enabled me to explore widely and find myself, towards figuring out how I could best use my talents and skills to be of service,” kwento ni Wu sa Manila Bulletin.

Pinasalamatan naman ni Wu ang kanyang pamilya at mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay.

 “To this end, this accomplishment is largely dedicated to my family, teachers, mentors, friends, and the Filipino community who gave me countless opportunities to discover and develop my quantitative talents. Hanggang sa muli, para sa bayan!”

Hindi na bago kay Wu na magbigay karangalan sa kanyang pamilya at sa Pilipinas dahil nakapag-uwi na ito ng ginto sa International Mathematical Olympiad (IMO) noong 2016. RNT


  •  
  •  
  •