Pinoy nakaranas ng ‘real change’ sa Du30  admin — Palasyo

Pinoy nakaranas ng ‘real change’ sa Du30  admin — Palasyo

February 9, 2022 @ 1:17 PM 8 months ago


Manila, Philippines — Nakaranas ang mga Pilipino ng “real change” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sa panayam, tinanong si Nograles sa kung anong legacy ang maiiwan ni Pangulong Duterte sa mga Pilipino oras na matapos ang termino nito.

 “Napakarami actually, pero siguro ‘di ba simula’t sapul nung campaign pa lamang niya pagka-pangulo, ang lagi niyang sinasabi, ‘tunay na pagbabago,’ which naramdaman po talaga ng ating mga kababayan ang tunay na pagbabago ng kanilang buhay at ‘yung tapang at malasakit ng pinakita ni Pangulong Duterte all throughout his presidency,” tugon ni Nograles.

Kitang-kita aniya ang mga pagbabago mula sa libreng irigasyon, libreng higher at technical education, anti-drug at anti-insurgency programs, universal healthcare, hanggang COVID-19 response.

“Ang mamanahin ng susunod na administrasyon ay mas marami siguro—ang 90 million na mga Filipinos ang target natin na fully vaccinated. So, mas magkakaroon tayo ng mas magandang laban against COVID-19.”

“If not, by the end of the administration, baka halos, we hope halos wala na rin itong COVID at nabalik na po tayo sa new normal,” dagdag pa ni Nograles.

Naunang sinabi ng Pangulo na nag-iimpake na siya para sa kanyang pag-alis sa Malakanyang sa Hunyo 30. RNT/FGDC