Pinoy nurses wanted sa Austria

Pinoy nurses wanted sa Austria

October 15, 2022 @ 2:52 PM 2 months ago


VIENNA – Makalipas ang halos apat na dekada, muling nagbukas ang Austria para sa Filipino nurses. Base sa Austrian Chamber of Commerce, mangangailangan ang bansa ng may 75,000 healthcare workers.

Sa isang salo-salo sa Philippine Embassy sa Vienna, nagkaroon ng pagtitipon para sa pagbabalik ng Filipino nurses sa work force ng Austria. Lumahok sa pagtitipon ang pitong Pinoy nurses, mga kinatawan ng embahada, Austrian Chamber of Commerce and Industry, recruitment agencies, Philippine Overseas Labor Office (POLO) at iba pang stakeholders.

“This welcome breakfast is dedicated to our very own Filipino nurses fresh from the Philippines,” pahayag ni Maria Corina Buñag, labor attache, POLO-Milan.

“I think it is a great opportunity for Filipino nurses because we have in Austria a huge demand for skilled labor especially in the health sector. We expect in the next 8 years a demand of 75,000 health care workers. So we are very happy and proud to welcome these Filipino nurses in Vienna,” sabi naman ni Mag. Maximilian Buchleitner ng Austrian Chamber of Commerce and Industry.

Inihayag naman ng European- based recruitment agency na gumagabay sa Pinoy health workers na handa silang umalalay sa mga Pilipinong nais mag-apply sa kanilang agency.

“With the experience that we gain from the pilot program now, we can extend, we can scale it. We have training capacities in the Philippines. We teach and we want to also deploy hundreds of nurses in the next couple of years,” ayon kay Matthias Hallerbach, C and C Human Resource Development.

Itatalaga ang mga bagong dating na nurses sa isang private home care facility sa Upper Austria, apat na oras ang layo sa Vienna. Bago sumabak sa trabaho dadaan sila sa orientation at paghahasa ng kanilang kaalaman sa German language.

Aagapay naman ang foundation sa Pinoy health workers na gusto ring makasama ang pamilya sa Austria.

“We are happy to have Filipino nurses here in Austria. We offer them a good place to work here so that they can work and stay for us permanently and their families are also welcome. They have a secure job here in Austria and good working conditions (Isinalin sa Ingles mula Aleman),” paglalahad ni Doris Kollar-Plasser, Regional Chief, Stiftung Liebenau.

Tutulong naman ang embahada sa mga pangangailangan ng nurses. Taong 1973 ay nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at Austria sa pagpapadala ng Pinoy nurses na nag-expire naman noong 1985.

Sa datos ng embahada, may mahigit 6,000 na ang Filipino nurses at Pinoy caregivers sa Austria.

Pwede namang bumisita sa website ng Philippine Embassy sa Vienna o makipag-ugnayan sa POLO Milan ang mga nais mag-apply. RNT/SA