Pinoy obstacle course racer 19th place sa UAE tilt

Pinoy obstacle course racer 19th place sa UAE tilt

December 9, 2021 @ 4:34 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Swak sa top 19 ang pambato ng Pilipinas sa obstacle course racing sa katatapos na  2021 World Spartan Championship sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Ang dating humahakot lamang ng mga inaning kamote na si Elias Tabac na tubong Davao mula sa Agusan del Sur ay tumapos na ika-19 sa kompetisyon sa oras na 2:50.00

Ibinahagi niya ang resulta ng kanyang laban sa kanyang  Instagram account at aniya siya unang Asyano na nakapasok sa Top 20 ng Spartan world championship.

“I want to thank the Lord for the strength he gave me to finish this race strong and injury free,” saad ni Tabac.

Si Tabac na miyembro ng Obstacle Course Race Long National Team ay unang nakagintong medalya sa Male and Female Categories sa kauna-unahang pagsabak sa World’s Highest OCR sa Mount Kilimanjaro, Tanzania noong Setyembre. JC