Pinoy overseas pinahahabol ng Comelec sa pinalawig na voter registration

Pinoy overseas pinahahabol ng Comelec sa pinalawig na voter registration

October 13, 2021 @ 7:29 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Commission on Elections ang mga kuwalipikadong Filipino na kasalukuyang nasa ibang bansa o nataon na nasa ibang bansa sa araw na halalan na humabol nang magparehistro.

Ayon sa Comelec, samantalahin ang overseas extended voter registration na matatapos na bukas, Oct 14.

Ang overseas voter registration ay dapat sanang hanggang Sept .30 lamang ngunit pinalawig ito mula Oct.1 hanggang 14 s lahat ng Philippine Embassies at Consulates sa buong bansa.

Maaari ring magparehistro sa Manila Economic and Cultural  Offices ( MECOs) sa Taiwan.

Ang araw at oras ng voter registration ay kasunod ng operational schedule ng  Foreign Service Posts.

Pinayuhan naman ng Comelec ang mg registrants na itsek ang oras ng opertion ng bawat opisina bago magtungo upang magparehistro. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •