Pinoy priest itinalaga sa Japan ni Pope Francis

Pinoy priest itinalaga sa Japan ni Pope Francis

December 9, 2021 @ 8:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pope Francis ang isang Filipino missionary priest na mamuno sa diocese ng Sendai sa Japan, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Si Fr. Edgar Gacutan, 57, ay nagsilbing parish priest ng Matsubara Catholic Church sa Setagaya Ward, Tokyo.

Si Gacutan, na nagmula sa bayan ng Enrile sa lalawigan ng Cagayan, ay nag-aral ng Pilosopiya sa St. Louis University sa Baguio City mula 1981 hanggang 1985 at Theology sa Maryhill School of Theology sa Maynila mula 1986 hanggang 1989.

Bilang seminarista, inilipat sa Japan noong Pebrero 1990 at pagkatapos ng tatlong taong internship ay bumalik sa Maynila upang tapusin ang kanyang pag-aaral sa teolohiya.

Naordinahan bilang pari ng CICM noong 1994 at noong 1994 at pinabalik sa Japan kung saan siya ay naglingkod bilang isang assistant pastor sa Kongo church, Osaka mula 1994 hanggang 1997, pagkatapos ay sumali sa team ministry sa Osaka sa loob ng 6 na taon hanggang 2003.

Noong 2004, siya ay naitalaga superior ng Japanese CICM Province at nagsilbi hanggang 2012.

Mula 2014 hanggang 2017, itinalaga siya sa Sendai at nagtrabaho para sa mga biktima ng 2011 Tohoku earthquake at tsunami.

Ayon sa CBCP , nagsasaad na ang Sendai ay ang pinakamalaking lungsod sa Rehiyon ng Tohoku at isa sa 15 pinakamalaking lungsod ng Japan na may humigit-kumulang isang milyong mga naninirahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden