Pinoy sa Florida, ligtas sa Hurricane Ian – PH Embassy

Pinoy sa Florida, ligtas sa Hurricane Ian – PH Embassy

October 2, 2022 @ 9:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Wala pang naiulat na Pinoy ang nasaktan o nasawi sa pananalasa ng Hurricane Ian sa Florida, United States.

Ito ang pahayag ng Philippine Embassy sa Washington DC nitong Sabado, Oktubre 1 oras sa Amerika.

Bagama’t malawak ang iniwang pinsala ng Hurricane sa southwest Florida at 31 katao ang nasawi ay walang mga Filipino ang kasama dito.

Sa abiso ni Vice Consul Mark Dominic Lim ng embahada, wala pa umanong ulat ang natatanggap mula sa mga Filipino na humihingi ng tulong o naapektuhan dahil sa kalamidad.

“No reports of Filipinos needing assistance and No Casualty reported,” sinabi ni Lim.

Sa huling tala ng embahada ay mayroong 167,000 mga Pinoy ang naninirahan sa Florida. RNT/JGC