Pinoy sa Hungary ligtas sa tanggalan sa trabaho

Pinoy sa Hungary ligtas sa tanggalan sa trabaho

October 16, 2020 @ 8:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Hungary – Hindi umano apektado ng tanggalan sa trabaho ang Overseas Filiipino Workers (OFW) sa Hungary ayon sa Hungarian Foreign Minister Peter Szijjarto.

“I have no information of them there having any kind of problem,” ani Szijjarto sa isang panayam ng GMA News.

“We have no issues with workers from the Philippines to be fired from their jobs,” aniya.

Lahad nito na mas maraming nagkaroon ng tabaho nitong Agosto kumpara noong Enero.

“I know Filipino people are very diligent, they follow the regulations, they respect the rules and the way they live there. I think it is important that we both represent the Christian culture and having the common cultural ground makes it easier to adjust to each other,” dagdag nito.

Matatandaang halos 213,000 OFW ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...