Pinoy sa Singapore nasapul ng monkeypox

Pinoy sa Singapore nasapul ng monkeypox

July 31, 2022 @ 4:45 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipino national na nagpositibo sa monkeypox sa Singapore.

“There is one reported case of a Filipino male in Singapore who has been infected with monkeypox. (The Philippine Embassy in) Singapore is monitoring the case,” pahayag ni Ma. Teresita Daza, DFA spokesperson, nitong Sabado ng gabi.

Sinabi ng Ministry of Health (MOH) ng Singapore na ang kaso ay isang 31-taong lalaki na nagpositibo sa virus nitong Hulyo 25.

Nilagnat siya noong Hulyo 21 at nagkaroon ng rashes sa mukha at sa kanyang perianal region na kumalat sa kanyang buong katawan.

Inilahad ng MOH na nagpagamot siya sa Singapore General Hospital nitong Hulyo 24 kung saan niya na-admit noon ding araw na iyon.

Inihayag din ng MOH na stable na ang kondisyon ng pasyente. Hindi rin siya maiuugnay sa monkeypox cases na nauna nang inanunsyo sa Singapore.

Sinabi ni Department of Health Undersecretary Beverly Ho sa “Laging Handa” public briefing sa Malacañang nitong Biyernes na ang unang kaso ng monkeypox sa bansa– isang 31-anyos na Pilipino na umuwi mula sa overseas trip noong Hulyo 19 ay nagpositibo sa reverse transcription–polymerase chain reaction test noong Hulyo 28.

Nauna nang inihayag ng World Health Organization (WHO) na ang monkeypox virus ay miyembro ng Orthopoxvirus genus sa family Poxviridae. Karaniwan itong isang self-limited disease na may sintomas na tumatagal ng dalawa hanggang apat na linggo.

“It is transmitted to humans through close contact with an infected person or animal, or with material contaminated with the virus. It can be transmitted from one person to another by close contact with lesions, body fluids, respiratory droplets and contaminated materials such as bedding,” pahayag ng WHO. RNT/SA