Pinoy sa Singapore sapul ng monkeypox-DFA

Pinoy sa Singapore sapul ng monkeypox-DFA

August 1, 2022 @ 7:38 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipino national ang nagpositibo sa monkeypox sa Singapore.

“There is one reported case of a Filipino male in Singapore who has been infected with monkeypox. (The Philippine Embassy in) Singapore is monitoring the case,”  ani Ma. Teresita Daza, tagapagsalita ng DFA.

Sinabi ng Ministry of Health (MOH) ng Singapore na ang nasabing kaso ay isang 31 taong gulang na lalaki na nagpositibo sa monkeypox noong Hulyo 25.

Nagkaroon siya ng lagnat noong Hulyo 21 at pagkatapos ay nagkaroon ng mga pantal sa kanyang mukha at sa kanyang perianal region na lalong kumalat sa ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinabi ng MOH na humingi siya ng medikal na pangangalaga sa Singapore General Hospital noong Hulyo 24 at na-admit sa parehong araw.

Sa isang bulletin na may petsang Hulyo 25, sinabi ng MOH na stable na ang kondisyon ng pasyente. Hindi rin siya nauugnay sa alinman sa mga kaso ng monkeypox na naunang inihayag sa Singapore.

Sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang monkeypox ay sanhi ng monkeypox virus, isang miyembro ng Orthopoxvirus genus sa pamilyang Poxviridae. Ito ay karaniwang isang self-limited na sakit na may mga sintomas na tumatagal mula dalawa hanggang apat na linggo.

“It is transmitted to humans through close contact with an infected person or animal, or with material contaminated with the virus. It can be transmitted from one person to another by close contact with lesions, body fluids, respiratory droplets, and contaminated materials, such as bedding,” anang WHO. RNT