Pinoy seafarer nawawala pa rin sa Beirut blast – PH embassy

Pinoy seafarer nawawala pa rin sa Beirut blast – PH embassy

August 6, 2020 @ 12:19 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inihayag ng Philippine Embassy sa Lebanon na nawawala pa rin ang isang Filipino seafarer makaraan ang pagsabog sa Beirut kahapon, August 5.

“May isa pa pong nawawala. Dalawa po ang namatay, sa kasamaang palad. Sa ngayon 24 po ‘yung sugatan, kabilang na doon ‘yung napabalitang nawawalang seafarers pero ngayon nahanap po,” ayon kay Lebanon Charge D’Affaires Ajeet Panemanglor.

Nasa ospital na aniya ang mga sugatang Pinoy habang ang ilan ay nagpapahinga sa ospital habang binabantayan ng embahada.

“Kinontak din po namin ang mga pamilya, kamag-anak ng lahat ng sugatan. Pati din po ‘yung mga nasawi para ipaalam ‘yung kalagayan ng kanilang kamag-anak dito.”

“Gagawin po ng embahada ang lahat ng kanyang makakaya upang mapauwi sa lalong madaling panahon ‘yung labi ng dalawang kababayan na nasawi,” dagdag pa ng opiysal.

Lahad pa nito, hindi pa nakikipag-ugnayan ang embahada sa gobyerno ng Lebanon dahil idineklara ang ‘day of national mourning’ ngunit siniguro naman sa publiko na ito ay tututukan.

Kwento ni Panemanglor, nasa opisina siya ng embahada nang mangyari ang pagsabog.

“Tanaw namin ‘yung buong siyudad mula sa bintana. So nakita namin ‘yung mismong pagsabog at kahit na medyo malayo po kami sa city center, naramdaman po namin ‘yung shock wave noong pagsabog,” aniya.

“Kung kami po ay nasa malayo, naramdaman namin ‘yung shockwave, nai-imagine ko na lang po kung ano ‘yung karanasan noong malalapit doon sa port,” giit pa nito. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...