Pinoy skilled workers makikinabang sa bilateral workers deal sa Germany

Pinoy skilled workers makikinabang sa bilateral workers deal sa Germany

November 5, 2022 @ 11:48 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Mabebenipisyuhan ng posibleng bilateral deal sa Germany sa susunod na taon ang skilled workers, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) official nitong Biyernes.

Sinabi ni Undersecretary Patricia Yvonne Caunan na posibleng lagdaan ang kasunduan sa first quarter.

“Meron po tayong pinag-uusapang panibagong bilateral labor agreement pero patungkol po ito sa other skills — nandiyan po yung sa culinary, nandiyan po ang sa pipefitters and welders. So, bright po ang future natin dito sa Germany,” ani Caunan sa press briefing.

Inanunsyo naman ni Migrant Workers Secretary Toots Ople ang bagong potential markets para sa Filipino workers sa Europe gaya ng Portugal, Romania, at Hungary.

Sinabi ni Ople na kinokonsidera ng Hungary na tumanggap ng 3,000 manggagawa sa pagtatapos ng taon o mas marami pa sa 2023.

Samantala, inihayag naman ng Portugal ang interes sa pagtanggap ng Filipino workers fpara sa umuusbong na tourism industry.

Inihayag ni Ople na ilan sa mga posibleng hamon sa pagpapadala ng mga manggagawa sa Portugal, Romania, at Hungary ang language requirement at ang pangangailangan na magtatag ng labor offices sa mga nabanggit na bansa.

Nagbabala naman siya sa mga Pilipino hinggil sa pagtanggap ng job offers sa social media upang maiwasan ang scammers.

“Wag na wag pumatol sa Facebook job offers. Either kukuhanan lang kayo ng pera tapos hindi niyo na makakausap o makakarating nga kayo don pero wala naman kayong employer. Either way, kayo ang talo, yung illegal recruiter ang panalo,” giit ng kalihim. RNT/SA