Pinoy TEUME, may pa-billboard sa birthday ni Jihoon!

Pinoy TEUME, may pa-billboard sa birthday ni Jihoon!

March 15, 2022 @ 7:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Hindi nagpahuli ang Filipino Teume, pangalan ng mga Pinoy supporters ng sikat na Kpop group na Treasure sa pagdiriwang ng birthday ng isa sa miyembro ng grupo na si Jihoon.

Ito ay dahil may pa-billboard ang mga fans ng Treasure member sa EDSA kasabay ng kaarawan niya nitong Marso 14, 2022.

Spotted ang LED billboard greetings ng Filipino supporters sa EDSA-Ortigas area at Guadalupe Bridge sa Makati City.

Sa larawan na ibinahagi ng isa sa fans ng Treasure, tila nagsilbing comfort pa nga ang ngiti ni Jihoon sa naturang LED billboard kasabay ng malakas na ulan at mabigat na daloy ng trapiko sa northbound lane ng EDSA.

Iba talaga ang powers ng Pinoy fans at creative sa iba’t ibang mga pakulo tuwing may nagdiriwang ng kaarawan sa mga miyembro ng Kpop groups na kanilang sinusuportahan. RNT/JGC