Pinoy workers angat sa POGO industry

Pinoy workers angat sa POGO industry

October 11, 2022 @ 9:22 PM 2 months ago


Manila, Philippines-Maraming Pinoy na ang nagtatabaho sa Philippine offshore gaming operators  industry at malalapagsan na nila ang bilang ng mga dayuhan na nagtatarabaho sa nasabing sektor.

Ito ang ibinunyag ni Association of Service Providers and POGOs (ASPAP) spokesperson Atty. Michael Danganan, sa patuloy na pagdinig ng POGO industry.

“Sa experience natin dito sa industriya, as the years go by, ‘yung mga posisyon po ay nafi-fill up po ng Filipino workers,” pahayag ni Danganan sa komite. “Lumiliit ang agwat ng mga bilang ng foreign workers kumpara sa Filipino workers,” aniya.

Ang ASPAP ay binubuo ng 16 na Pagcor-licensed POGOs at 68 service providers. May kabuuang nagtatrabaho na 23,118 Pinoy at 17,130 foreign nationals.

Ayon kay Danganan, ang kakayahan ng mga Filipino na agad na makapag-adapt ay siyang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa POGO industry.

“Alam naman po natin ang mga Pilipino magaling po mag-adapt po. Bata pa po ‘yung industriya, kaya ang ating mga kababayan eh nagsusumikap din po na matutunan talaga at kaya po sila ang naha-hire kasi nagiging qualified na po sila sa mga posisyon,” pagbabahagi ni Danganan.

“Nakukuha na po ng mga Pilipino ang key positions dito sa industriya,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Danganan, nagtatrabaho ang mga Pinoy sa iba’t ibang kapasidad tulad ng pagiging translator, engineer at project manager.

Nang tanungin ni Senate ways and means committee chair Sen. Sherwin Gatchalian kung nagbebenepisyo ba ang mga lokal mula sa technology transfer sa industriya, sinang-ayunan ito ng ASPAP.

“’Yung mga service provider po, kailangan ng POGO,” said Danganan, “so sa pagbibigay ng serbisyo dun sa POGO, ‘yung mga kompanyang ‘yan nagha-hire ng mga tao, kasama po ang mga Filipino diyan para po maserbisyuhan po ang pangangailangan ng mga operators,” ani Danganan. RNT