Pinoys sa Ukraine handang iuwi ng DFA sa gitna ng martial law

Pinoys sa Ukraine handang iuwi ng DFA sa gitna ng martial law

October 21, 2022 @ 7:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng gobyerno ng Pilipinas na nakahanda na ito na tumulong sa pagpapauwi ng mga Pinoy na nakabase sa Ukraine.

Ang pagsisigurado ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng deklarasyon ng Russia ng martial law sa mga “annexed” na rehiyon nito.

Dagdag pa ng DFA na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon ng mga Pilipino sa lugar.

“The Department, the Embassy, and the Honorary Consulate General stand ready to repatriate our kababayans should they request assistance for immediate return to the country,” anang DFA sa isang pahayag.

Dagdag ng kagawaran nasa 25 Pinoy pa ang nananatili sa Ukraine, karamihan ay nasa kabisera ng Kyiv.

Anang ahensya na kasalukuyang walang mga Pilipino sa mga rehiyon kung saan idineklara ang batas militar, na sina Kherson, Zaporizhzhia, Donetsk, at Luhansk.

Humigit-kumulang 400 Pilipino ang pinalipad pabalik sa Pilipinas noong unang kalahati ng taon nang unang sumiklab ang krisis sa Russia-Ukraine, ayon sa datos ng DFA. RNT