Pinsala dulot ng bagyong Karding P304M na – NDRRMC

Pinsala dulot ng bagyong Karding P304M na – NDRRMC

October 2, 2022 @ 12:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa P304-milyon ang pinsala dulot ng bagyong Karding sa imprastruktura ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Linggo, Oktubre 2.

Sa 8 a.m. situational report, ang nasabing halaga ay mula sa 43 na mga napinsalang istruktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Mimaropa, Bicol Region, at Cordillera Administrative Region (CAR) na umaabot ngayon sa P304,245,310.

Malaking bahagi ng mga nasirang imprastruktura ay mula sa Cagayan Valley na nagkakahalaga ng P280,297,910.

Maliban dito, inihayag naman ng Department of Agriculture na ang pinsala sa sektor ng agrikultura ay pumalo na sa P3,053,218,120.04 mula sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, at CAR.

Samantala nananatili sa 12 ang mga nasawi dulot ng bagyong Karding at lima ang patuloy na pinaghahanap. RNT/JGC