Pinsala ng bagyong Karding sa imprastruktura, P23M na – NDRRMC

Pinsala ng bagyong Karding sa imprastruktura, P23M na – NDRRMC

September 28, 2022 @ 3:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa tinatayang P23,050,000 halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Karding sa imprastruktura.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, Setyembre 28.

Walong beses itong mas mataas sa naunang iniulat na P3-milyon nitong Martes.

Ayon sa ahensya, nagmula sa Ilocos Region, MIMAROPA at Cordillera Administrative Region ang karamihan ng mga napinsalang istruktura partikular na ang mga nasirang kalsada.

Nagpapatuloy naman ang damage assessment ng NDRRMC upang malaman kung magkano ang halaga ng pinsala sa nabanggit na imprastruktura.

Maliban dito, nauna na ring iniulat na umabot naman sa P110 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ayon sa NDRRMC. RNT/JGC