PINSALA NG LINDOL NASA P1B

PINSALA NG LINDOL NASA P1B

August 3, 2022 @ 5:12 PM 5 days ago


SA maniwala ang mga tao o hindi, umabot sa P1 bilyon ang halaga ng mga imprastraktura at kabuhayan na na nasira ng magnitude 7 na lindol na naminsala sa lalawigan ng Abra noong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umaabot sa 1470 ang kabuang nasirang mga imprastratura na bilyon ang inabot na halaga.

Sinabi rin ng NDRRMC, sa 1470 na imprastraktura na nasira, 722 sa mga ito ay mula sa Cordillera Administrative Region, 596 mula sa Region I, habang 131 mula sa Region 2, 12 mula sa Natiopnal Capital Region at 9 mula sa Region 3.

Base pa sa ulat, sumipa na sa P15,264,476 ang lumalabas na kaubuang halaga ng produksyong nawala at pinsala sa Kagawaran ng Agrikultura samantalang P4,500,000 naman sa National Irrigation Administration.

Iniulat din na nasa 1,248 indibiduwal na ang inilikas at 27 munisipalidad ang isinailalim sa state of calamity.

Lumalabas sa tala ng NDRRMC, siyam na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong namatay dahil sa pagyanig na nagmula lahat sa CAR samantalang 376 ang nagtamo ng injury na 374 mula sa CAR at dalawa naman mula sa Region 2.

Kung maalala, noong July 27, niyanig ang Tayum,Abra ng lindol na umabot sa magnitude 7.3 na may lalim na 17 kilometro kasabay nang pagyanig sa mga karatig bayan at maging sa Metro Manila.
Pasugalan sa Marikina untouchable

Kampante lang si Pinong, ang nagpapatakbo ng ilang pasugalan sa Marikina City dahil tuloy-tuloy lang ang kanyang operasyon sapagkat hindi naman siya pineperwisyo ng mga pulis sa nasabing lugar.
Bakit nga ba hindi hinuhuli o ipinasasara ang mga pasugalan ni Pinong? Kasi raw, untouchable kay Mayor Marcy Teodoro at nakatimbre naman sa pulisya.

Sabi ni Mayor ‘walang katotohanan na malakas si Pinong” sa kanya, period. Asan ang aksyon Mayor Teodoro?
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764 o 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]