Pinsala ng masamang panahon sa infra, agri sumipa sa P620M

Pinsala ng masamang panahon sa infra, agri sumipa sa P620M

January 20, 2023 @ 2:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa mahigit P620 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura dulot ng low-pressure area, shear line, at northeast monsoon simula Enero 2.

Sa bulletin ng Office of Civil Defense (OCD), ipinalabas araw ng Biyernes, Enero 20, ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Mimaropa, Bicol Region, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay umabot sa P206.96 milyon.

Habang ang pinsala naman sa agrikultura ay umabot sa P414.35 milyon sa Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, at Soccsksargen.

Sa kabilang dako, 1,661 naman ang naitalang “damaged house” ng OCD kung saan 1,135 ang classified bilang “partially damaged” at 526 bilang “totally damaged.”

May 33 katao naman ang naitalang namatay kung saan 18 ang kumpirmado habang 15 naman ang nananatiling bina-validate; mayroon namang 7 ang nawawalang indibiduwal habang 12 naman ang nasaktan.

Samantala, sinabi pa ng OCD na mayroong 415,133 pamilya o 1,689,119 katao ang apektado habang 65,048 pamilya o 264,803 naman ang kabilang sa displaced person. Kris Jose