Pinsala ni ‘Agaton’ sa agri sector, P3 bilyon na!

Pinsala ni ‘Agaton’ sa agri sector, P3 bilyon na!

April 22, 2022 @ 5:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sumampa na sa P3 bilyon ang pinsalang iniwan ng bagyong Agaton sa sector ng agrikultura.

Hanggang kaninang alas-8:00 ng umaga ay nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng kabuuang 88,997 metriko toneladang pinsala sa produksyon mula sa 32,039 ektaryang taniman sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen at Caraga.

Nasa 67,586 na mga magsasaka at mangingisda naman ang apektado.

“The increase in overall damage and losses is due to additional reports on rice, corn, high value crops, livestock and agricultural infrastructures in Western and Eastern Visayas, Davao and Caraga,” saad ng DA.

“Damage has also been incurred in agricultural infrastructures, machinery, and equipment. These values are subject to validation,” dagdag nito.

Pagdating sa value loss, palay ay may pinakamalaking halaga ng danyos na aabot sa P1.3 billion, sinundan ng palaisdaan na nasa P930.5 million.

Habang sumampa na sa P297.9 million ang halaga ng pinsala sa mga high-value crops, particular sa mga gulay, caco at mga prutas.

P60 milyong halaga naman ng mga tanim na mais ang nasira sa 1,509 ektaryang maisan.

Aabot naman sa P41.6 million ang kabuuang danyos sa livestock at poultry habang P390.2 million sa irrigation at agri-facilities; P1.8 million din sa agricultural machineries at equipment.

Tiniyak naman ng DA na nakahanda ang nasa P723.07-million na tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng bagyo. RNT/ JCM