Pinsala ni Agaton sa agrikultura pumalo na sa P270.3M

Pinsala ni Agaton sa agrikultura pumalo na sa P270.3M

April 13, 2022 @ 10:37 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa P270.3 milyon ang halaga ng pinsala ng nagdaang bagyong Agaton sa agrikultura hanggang nitong Martes, ayon sa Department of Agriculture.

Ayon sa DA, naiulat ang nabanggit na pinsala sa mga rehiyon ng Eastern Visayas at Caraga. Aabot naman sa 16,866 metric tons ang volume ng production loss. Hindi bababa sa 3,168 ektarya ng agricultural areas at 2,199 magsasaka naman ang apektado.

Ayon sa DA, bineberipika pa ang halagang ito at mas lalaki pa dahil sa inaasahang maiuulat pang pinsala ng bagyo. RNT/SA