Pinsala ni ‘Agaton’ sa imprastraktura, P1.45B na – DPWH

Pinsala ni ‘Agaton’ sa imprastraktura, P1.45B na – DPWH

April 20, 2022 @ 4:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aabot sa P1.45 bilyon ang partial cost of damage sa public infrastructure dulot ng bagyong Agaton, ayon kay Public Works and Highways Secretary Roger Mercado.

Batay sa datos ng DPWH Bureau of Maintenance, sinabi ng kalihim na sa Region 8 lamang  ay aabot na sa P1.30 bilyon ang inisyal na halaga ng pinsala ng bagyo sa mga kalsada at tulay.

Samantala, umabot naman sa P6.06 milyon ang iniwang pinsala ng bagyong Agaton s mga kalsada sa Region 12.

Habang sa Caraga, nakapagtala ng P118.4 milyon na pinsala sa mga national road  at P27 milyon ang pinsala sa mga tulay. Jocelyn Tabangcura-Domenden