Pinsala ni Dante sa nat’l roads, flood control umabot ng P268.5M

Pinsala ni Dante sa nat’l roads, flood control umabot ng P268.5M

June 3, 2021 @ 6:06 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Aabot sa P268.5 milyon ang pinsalang iniwan ni bagyong Dante sa imprastraktura sa mga lugar na hinagupit nito ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nasa P106.2 milyon ang halaga ng pinsala sa mga kalsada at tulay sa Central Visayas at P162.32 milyon naman sa Soccsksargen.

Lubog pa rin sa baha ang Dalaguete-Mantalongon-Badian Road sa Barangay Ablayan bayan ng Dalaguete sa Cebu.

Sarado pa rin ang Wright-Taft-Borongan Road, K0861+(-439) – K0890+176, Camp 5 Bndry-Jct. Taft sa Taft, Eastern Samar dahil sa landslide.

Hindi rin madaanan ang Adgawan Bridge sa La Paz, Agusan del Sur.

Patuloy namang lumalayo sa kalupaan ng bansa si Dante patungong West Philippine Sea. RNT/ELM