Pinsala sa agrikultura dulot ng pagbaha sa Ifugao pumalo sa P14.6M

Pinsala sa agrikultura dulot ng pagbaha sa Ifugao pumalo sa P14.6M

July 10, 2022 @ 3:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umabot sa P14.6 milyon ang pinsala sa agrikultura sa Ifugao matapos ang pagbaha, dulot ng southwest monsoon o habagat, sa probinsya.

Batay sa ulat ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo, apektado ng pinsala ang 684 magsasaka, na may production loss volume na 728 metric tons at 198 ektarya ng taniman, hanggang nitong Sabado, alas-6 ng hapon.

Apektado ang palay at high-value crops.

Upang matulungana ang mga apektadong mga magsasaka na maka-rekober sa pinsala, hinikayat ng DA na magbigay ng rice, corn, at assorted vegetable seeds at drugs at biologics para sa livestock at poultry.

Pagugulungin din ng ahensya ang Survival and Recovery Program ng Agricultural Credit Policy Council.

Bibigyan din ang mga magsasaka ng pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation, base sa DA.

Magbibigay din ang ahensya ng Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. RNT/SA