Pinsala sa agrikultura ng bagyong Agaton, higit P725M na!

Pinsala sa agrikultura ng bagyong Agaton, higit P725M na!

April 18, 2022 @ 3:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sumampa na sa P725.2 million ang pinsalang iniwan ng bagyong Agaton sa sector ng agrikultura.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), nasa 19,424 na mga magsasaka ang apektado ng nagdaang bagyo sa Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Caraga, na may kabuuang 17,925 ektaryang sakahan.

Katumbas ito ng 41,580 metric tons ng kabuuang volume loss, kung saan 92.68% o 40,122 nito ay mula sa produksyon ng palay na nagkakahalaga ng P672.2 million.

Samantala, aabot naman sa P24.7 million ang napinsala sa mga high-value crops; P21.1 million sa maisan; at P7.2 million sa livestock at poultry.

Pero ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management Operation Center, subject to validation pa ang datos dahil inaasahang madaragdagan pa maitatalang pinsala ng bagyo sa naturang sector.

Sa kabila nito, tiniyak ng DA ang tulong para sa mga apektadong magsasaka kabilang ang pagbibigay sa kanila ng mga puto ng mais, palay at iba’t ibang klase ng gulay; gamut at biologics para sa livestock at poultry; Survival and Recovery Program of Agricultural Credit Policy Council; indemnification fund sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corporation; at access sa Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng napinsala nilang kabuhayan.

Nabatid na hanggang noong Lunes, umabot na sa 16 na mga lungsod at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity kabilang ang Sara, Lemery, at Passi sa Iloilo; Cateel, Davao Oriental; Trento, Agusan del Sur; at Compostela, Laak, Mabini, Maco, Maragusan, Mawab, Monkayo, Montevista, Nabunturan, New Bataan, at Pantukan sa Davao de Oro. RNT/ JCM