Pinsala sa agrikultura ni Auring P79M na

Pinsala sa agrikultura ni Auring P79M na

February 25, 2021 @ 7:42 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pumalo na sa ₱79.38 milyong halaga ang pinsalang dulot ni bagyong Auring sa agrikultura ng bansa ayon sa Department of Agriculture.

Tinatayang 1,017 metric tons ang winasak ng bagyo dala ng malalakas na pag-ulan at hanging dal ani Auring sa Visayas at Mindanao.

Pinakaapektado ang ani ng bigas na nakapagtala ng 94 porsyentong pinsala.

Karamihan sa mga ito ay sa mga palayan sa Surigao del Sur.

Habang anim na porsyento naman ang napinsala sa mais, high-value crops, isdaan, babuyan, at manukan.

Apektado rito ang 1,451 magsasaka at mangingisda at 4,787 ektarya ng lupa.

Siniguro rin ng DA ang P5.44 milyong tulong para sa mga nabagyo.

Nailigtas naman ang P1.31 bilyong halaga ng bigas at P94.42 milyong halaga ng mais dahil sa maagang pag-aani. RNT/ELM


  •  
  •  
  •