Pintor tinarakan sa walwalan

Pintor tinarakan sa walwalan

April 22, 2022 @ 2:15 PM 2 months ago


BULACAN – Arestado ang 34-anyos na lalaki matapos saksakin ang isang pintor na nakikipag-inuman sa bayan ng Pandi.

Kinilala ang suspek na si Jhony Gabi habang ang biktima ay si Fernando Anastacio kapwa residente ng Bunsuran 3rd.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang 9:30 ng gabi noong Miyerkules, Abril 20.

Nag-iinuman lang umano sina Anastacio kasama ang kanyang mga kaibigan nang biglang dumating ang suspek at walang kaabog-abog na sinaksak ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay agad tumakas ang suspek habang ang duguang biktima ay dinala sa Rogaciano Memorial Hospital.

Agad namang nagsagawa ng follow up operation ang pulisya kaya nahuli kalaunan si Gabi.

Nahaharap na ang suspek sa kasong frustrated murder. Dick Mirasol III