Pinuhunan ng dayuhan sa Pinas, tumaas ng 70% sa 2021

Pinuhunan ng dayuhan sa Pinas, tumaas ng 70% sa 2021

February 16, 2022 @ 10:24 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Tumaas ng 71.5% noong 2021 ang foreign investment pledges matapos ang “strong performance” sa nakalipas na tatlong buwan ng taon.

Makikita sa datos ng pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may ₱133.47 billion sa foreign investments (FIs) ang inaprubahan mula Oktubre hanggang Disyembre, mahigit sa triple na ₱36.49 billion na naitala sa nakaraang quarter ng 2020.

Dahil sa pinakahuling pigura, naitulak ang 2021’s overall tally sa ₱192.34 billion—na pagtaas mula sa ₱112.12 billion noong 2020.

Nanguna naman ang Singapore sa listahan ng mga investing countries noong 2021, “accounting for ₱80.17 billion or 41.7% of total investment commitments, followed by the Netherlands and Japan.”

“The bulk of approved FIs aim to fund projects in information and communication, representing ₱144.32 billion or 75% of the total. Manufacturing along with administrative and support service activities come after,” ayon sa PSA.

“Nationwide projects comprised ₱144.36 billion or 75.1% of overall commitments in 2021. In terms of region, projects in Calabarzon are set to receive the most funding at ₱20.01 billion or 10.4%,” dagdag na pahayag ng PSA.

Gayunman, sinabi ng ahensiya na ang projected employment mula sa inaprubahang FIs ay bumagsak sa 33.6% o 66,251.

“Projects approved by the Philippine Economic Zone Authority (PEZA)—which registered a 40% drop in investment pledges—are forecast to generate majority of total jobs at 49.8%,” ayon sa PSA.

“Foreign nationals pledged 25.4% percent of overall investment commitments in 2021, which amounted to ₱756.63 billion, down 33.6% from the previous year,” lahad pa rin ng PSA.

Masigasig naman ang pamahalaan na magsulong ng batas na naglalayong makaakit ng mga foreign investments sa gitna ng pandemiya upang makalikha ng mas maraming hanapbuhay, kaakibat ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act noong Marso ng nakaraang taon.

Tinintahan din ng Pangulo ang Republic Act No. 11595, na nag-aamiyenda sa Retail Trade Liberalization Act, noong nakaraang Disyembre.

Samantala, hinihintay naman ang paglagda ng Pangulo sa batas na inamiyendahan ang may ilang dekada ng Public Service Act para pagaanin ang foreign equity restrictions sa ilang industriya sa bansa. Kris Jose