PINUTULAN NANG-RAPE NG 94

PINUTULAN NANG-RAPE NG 94

November 11, 2022 @ 11:02 AM 3 weeks ago


KUNG hindi pa nahuli at naputulan ng paa, nanatili sana ang kademonyohan ng isang lalaki sa kababaihan sa South Africa.

Kahapon lang, idineklara ng korte na guilty o nagkasala sa 90 panggagahasa si Nkosinathi Phakathi, 38.
Isinagawa ng ulol na ito ang panggagahasa na karamihay mga batang mag-aaral ang mga biktima mula 9 na taon pataas.

Tinatambangan nito ang mga pumapasok at umuuwi na mga mag-aaral at nire-rape ang mga ito kahit saan sa Ekurhuleni na malapit lang sa Johannesburg na kapital ng South Africa.

Isinasagawa rin niya ang krimen sa loob ng mga tahanan sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang electrician.
Ang matindi pa, mga brad, habang nangre-rape, inuutusan ang iba na manood at pagkatapos nito, isinusunod ang iba.

Dala-dala ang libog, minsan niyang binalikan ang nabiktima niya minsan ngunit natiyempuhan siya ng mga pulis.

Pinagbabaril ito nang kumasa sa mga pulis ngunit wala na siyang magawa nang basagin ng bala ng baril ang isa niyang paa na pinutol ng mga doktor sa kalaunan.

Pinagsama-sama ang lahat ng kanyang 148 kaso sa hukuman gaya ng rape, pwersahang pagpapanood ng rape, 43 kasong kidnapping, 4 na pagnanakaw at 4 na pakikipaglaban sa mga pulis.

Hindi pa malinaw kung anong parusa ang iginawad ng hukuman ngunit sinasabing hindi malilimutan at magiging babala sa katulad ni Phakathi ang parusa nito.

Noon pang 1995 inalis ang parusang bitay sa South Africa ngunit tatandaan na binibitay sa tali ang katulad ng kriminal na ito.

Ngayon gustong ibalik ng halos 80 porsyento ng mga mamamayan ang parusang bitay at isa sa mga dahilan ang pagiging rape capital ng mundo ang South Africa.

Kung ganito nga ang nagaganap sa nasabing bansa at gumagala ang rapist na katulad ni Phakathi, aba, masasabing hulog ng langit ang parusang bitay.