Piolo, inggit-much sa pamilyadong friends!

Piolo, inggit-much sa pamilyadong friends!

September 24, 2022 @ 10:43 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Hindi nangingiming aminin ni Piolo Pascual na kinaiinggitan niya ang mga kaibigan at colleagues na settled down na.

At 45, tahimik pa rin ang lovelife na aktor.

Katwiran niya, eh, sa ganoon daw ang status niya sa buhay, ano raw ang magagawa niya?

Good thing, Piolo has his hands full with plants.

Yes, certified plantito ang aktor na nagso- source out pa ng mga halaman sa iba’t ibang probinsya.

Minalas nga lang daw siya dahil binagyo raw ang kanilang tirahan last year.

Hayun, wiped out daw lahat ang mga binili niyang halaman!

Piolo sees himself putting up his own garden dahil sa dami raw ng kanyang mga tanim.

In fact, noong manalasa ang pandemic ay pag- aalaga ng mga halaman kept him busy sa kanyang resthouse in Batangas.

May isa nga siyang video that went viral kung saan isang gusgusing Piolo ang mapapanood.

He got himself kasi soiled in tending his plants, na pati pagbubungkal kung saan itatanim ‘yon ay personal niyang inasikaso.

Ganoon man ang hitsura ng aktor, maraming female netizens ang nanalangin na sana’y naging halaman na lang sila. Ronnie Carrasco III