Piolo, kalmado sa paghahanap ng jowa!

Piolo, kalmado sa paghahanap ng jowa!

July 8, 2022 @ 5:59 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa isang panayam, sinabi ng Kapamilya heartthrob na si  Piolo Pascual na kung may isang bagay daw siyang natutunan noong panahon ng pandemya, ito ay ang maging  mapagpasalamat sa mga grasyang dumadating sa kanya sa araw-araw.

Napagtanto rin daw niya ang importansya ng pamumuhay ng simple at to live one day at a time na walang stress.

“During this pandemic, I realized, it’s not about having a partner per se but it is about having the independence to just live your life one day at a time. This pandemic has taught me a lot about discipline and it taught me to just appreciate life for whatever it gives you by the day,” pagbabahagi niya.

Katunayan, sa kanyang estado, hindi raw siya naghahanap ng jowa dahil naniniwala siyang darating naman ito sa takdang panahon.

“It’s about your feelings or if you feel something for that person and that person might have something that compliments you, or gives you that feeling or excitement that you have to be with someone. Hindi naman hinahanap ‘yon, dumadating na lang,” paliwanag niya.

Gayunpaman, kung mabibigyan daw siya ng pagkakataong makapamili, gusto raw niya sa ideal partner ay kapareho ng kanyang values na pinahahalagahan sa buhay.

“Values and your heart is in the right place, and love for family, country, and just having that relationship with the Lord,” ani Piolo. Archie Liao