Pioneer exorcist ng Simbahang Katolika sa Cebu pumanaw na

Pioneer exorcist ng Simbahang Katolika sa Cebu pumanaw na

September 28, 2022 @ 11:07 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumanaw na sa edad na 90 nitong Lunes si Monsignor Frederick Kriekenbeek, isa sa mga nangungunang exorcist ng Simbahang Katoliko sa Cebu.

Ang kanyang pagkamatay ay inihayag ng Archdiocese of Cebu sa isang Facebook post, Martes.

Hiniling ng Archdiocese sa lahat ng mga layko na mag-alay ng mga espesyal na panalangin para sa kanyang walang hanggang kapahingahan.

Naglingkod si Kriekenbeek sa maraming parokya hanggang sa itinatag niya ang mga relihiyosong kapatid na babae, ang Living the Gospel Community, at ang mga relihiyosong kapatid na lalaki, ang Mary’s Little Children Community.

“He was one of the pioneering exorcists in the Archdiocese of Cebu” ,ayon sa pa Archidiocese

Naglingkod din siya bilang episcopal vicar ng Catholic charismatic groups sa archdiocese ng Cebu sa loob ng ilang taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden