Pirmado na ang $4.9 bilyon na halaga ng negosyo at investment sa pagitan ng Pilipinas at South Korea

Pirmado na ang $4.9 bilyon na halaga ng negosyo at investment sa pagitan ng Pilipinas at South Korea

June 6, 2018 @ 4:30 PM 4 years ago


Personal na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpirma sa 23 na kasunduan na may kinalaman sa sektor ng automotive, public utility, modernization, liquified natural gas, coal fire power, engineering, construction, sea offshore services, food, at aqua-culture.

Kabilang dito ang planong pagpapatayo ng pagawaan ng mga pampublikong sasakyan at power plant at pagkakaroon ng kimchi food business sa bansa.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, magreresulta ang mga kasunduan sa 50,000 na mga trabaho.

Para naman kay Pangulong Duterte,  kailangan ng bansa ang mga investments para makasabay ang pilipinas sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya.

Nananalig naman ang  si Punong Ehelutibo na ang mga bagong business deals sa South Korea ay matutuloy para pakinabangan ng bansa at mga Pilipino. (KRIS  JOSE)