Piskalya umapela sa pagbasura ng korte sa drug case vs Julian Ongpin

Piskalya umapela sa pagbasura ng korte sa drug case vs Julian Ongpin

November 26, 2021 @ 1:35 PM 2 days ago


Manila, Philippines – Naghain na ng motion for reconsideration ang mga prosecutor laban sa “dismissal” o pagbasura ng isang korte sa drug case ni Julian Ongpin.

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, itinakda na sa Dec. 3, 2021 ang pagdinig ng San Fernando City, La Union Regional Trial Court.

Sinabi ni Malcontento na kapag pinayan ng korte ay magpi-presenta sila ng ebidensya bilang suporta sa motion for reconsideration.

Matatandaan na ibinasura ng La Union Regional Trial Court ang kasong possession of illegal drugs na isinampa laban kay Ongpin, na na nasangkot sa kontrobersiya dahil sa pagkamatay ng artist na si Bree Johnson.

Nakitaan si Ongpin ng ilang gramo ng cocaine sa lugar sa San Juan, La Union kung saan nakita ang mga labi ni Johnson noong Setyembre. Teresa Tavares