Piso bumabagon na vs dolyar-BSP

Piso bumabagon na vs dolyar-BSP

December 21, 2022 @ 12:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbalik na ang lakas ng piso kontra dolyar kaya sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla na “worst is over for the strong dollar.”

“Weak peso further aggravating the inflation is no longer a big problem,”ang wika pa ni Medalla.

Sa katunayan, nagsara ang piso ng P55.24 kontra US dollar, araw ng Martes. Itinuturing na “strongest performance” ng ilang buwan.

“It seems the strong dollar period is over. Second, we’re beginning to see oil prices to drop,” saad ni Medalla, umaasa na sa pagpasok ng Enero ng susunod na buwan ay mas magiging maganda ang economic figures sa gitna ng posibleng recession sa ibang bansa.

Inaasahan na rin ni Medalla ang ” peak inflation” ngayong buwan ng Disyembre subalit huhupa sa susunod na taon.

“Our forecasts for inflation is actually closer to 3% than to 4% for the third quarter of this year and possibly below 2% briefly near the end of next year and early 2024,” ayon kay Medalla.

At nang tanungin kung ia-adjust ng Monetary Board ang interest rates sa susunod na pagpupulong, sinabi ni Medalla na “nothing is guaranteed due to uncertain times. It could be zero, 25 or 50 basis points.”

Inihalintulad pa nito ang interest rate adjustment sa basketball game, Tinukoy ang UAAP Finals na nagtampok sa UP Fighting Maroons at isa sa mga star players nito na si Zav Lucero na nagtamo ng left knee injury dahilan para tanghalin na champions ang Ateneo Blue Eagles.

“I would say zero in the next two meetings, both zero. If somebody offers you that bet, it’s like UP with an injured Lucero playing Ateneo, hindi zero ang chance pero hindi malaki,” ayon kay Medalla sabay sabing “I will rule out very extreme forecasts.” Kris Jose