Piso bumulusok sa 58.92 vs dolyar

Piso bumulusok sa 58.92 vs dolyar

October 8, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patuloy ang downtrend ng Philippine peso kontra US dollar sa pagbulusok nito sa ika-12 all-time low para sa taong ito.

Sumadsad ang sa P58.92:$1 nitong Biyernes.

 Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort na humina pa ang piso “after upward correction of the US dollar against major global currencies; after the latest hawkish signals from US Fed officials… which could partly determine the pace of future Fed rate hikes.”

Isa pang dahilan ng pagbaba ng halaga ng local unit ang pagpalo ng global crude oil prices sa bagong “three-week highs a day” matapos mapagkasunduan ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus coalition na bawasan ang oil production output ng two million barrels kada araw upang suportahan ang oil prices, ayon kay Ricafort.

Iginiit pa ni Ricafort na ang patuloy na ang patuloy na paghina ng piso ay posibleng magdulot ng “higher prices of imports and overall inflation, thereby increasing the possibility of further local policy rate hikes, even a surprise/off-cycle local policy rate hike to help stabilize the peso as well as overall inflation.” RNT/SA