Piso bumulusok sa P56.77 vs US dollar

Piso bumulusok sa P56.77 vs US dollar

September 3, 2022 @ 10:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Bumulusok ang Philippine peso sa P56.77:$1 laban sa US dollar nitong Biyernes.

Bago itong record low para sa local unit, na mas mababa pa kumpara sa all-time low na P56.45:$1 noong Oktubre 14, 2004.

Iniugnay ito ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort sa kahinaan ng local unit sa “stronger US dollar versus major global currencies and the benchmark 10-year US Treasury yield at a new two-month high of 3.25% amid more hawkish Fed signals recently to bring down elevated inflation.”

Inihayag ni Ricafort na ang ‚Äúnext resistance‚ÄĚ para sa piso ay “psychological” P57.00:$1.

Pinaiigting naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga polisiya sa pagkontrol sa inflation. RNT/SA