Piso bumulusok sa P58:$1

Piso bumulusok sa P58:$1

September 21, 2022 @ 5:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines-  Muli na namang bumulusok ang Philippine peso nitong Miyerkules, sa “worst performance” nito dahil sa antisipasyon ng rate hikes.

Bumaba ang piso sa P58:$1 mula sa P57.48:$1 nitong Martes.

Ito ang ika-walong all-time low para sa taong ito, kasunod ng mga nakaraang record noong Setyembre 2 (P56.77:$1), Setyembre 5 (P56.999:$1), Setyembre 6 (P57.00:$1), Setyembre 8 (P57.18:$1), Setyembre 16 (P57.43:$1), at Setyembre 20 (P57.48:$1).

Ang patuloy na paghina ng local currency ay dulot ng inaasahang major rate hike sa United States, sa Federal Reserve na nakatakda sa Setyembre 1.

Ang Federal Open Market Committee (FOMC) ay ang inaabangang pagtaas sa interest rates ng 75 basis points hanggang 100 basis points.

“Rate hike expectations continued to put pressure on the peso today, and as such BSP should opt for a stronger message by way of clearer forward guidance beyond the actions tomorrow,” ani Security Bank Corporation chief economist Robert Dan Roces.

“Inflation is an upside risk with weaker peso,” dagdag niya.

Nakatakda namang magsagawa ng policy meeting ang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Huwebes kasama si BSP Governor Felipe Medalla. RNT/SA