Piso lagapak ulit sa dolyar!

Piso lagapak ulit sa dolyar!

September 22, 2022 @ 6:46 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy ang all time record ng pagbaba ng piso ng Pilipinas  laban sa US dollar.

Ngayong Huwebes tumama sa panibagong record low na P58.49:$1 ang halaga ng piso kontra sa dolyar. Ito na ang ikatlong sunod na araw na bumulusok ang halaga ng piso sa kalakalan.

Miyerkoles nang natapos sa P58:$1 ang halaga ng piso kontra sa dolyar. Ito na ikawalong all-time low na naitala sa taong ito.

Kasunod ito ng mga nakaraang tala noong Setyembre 2 (P56.77:$1), Setyembre 5 (P56.999:$1), Setyembre 6 (P57.00:$1), Setyembre 8 (P57.18:$1), Setyembre 16 (P57. 43:$1), at Setyembre 20 (P57.48:$1).

Bumaba na ngayon ang piso ng P7.491 o 14.7% mula sa P50.999:$1 na pagtatapos sa huling araw ng kalakalan ng 2021. RNT