Piso lumakas sa US inflation

Piso lumakas sa US inflation

January 14, 2023 @ 10:24 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Natapos ang linggo na sa mas malakas na halaga ng piso kontra dolyar.

Nagsara ang local currency sa P54.89:$1 mula sa P55.29:$1 nitong Huwebes.

Ito ang pinakamalakas na halaga ng piso sa anim na buwan mula nang sumampa ito sa P54.77:$1 noong June 28, 2022.

Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort sa komentaryo na dulot ito ng decline ng dolyar laban sa major global currencies, dahil sa US inflation rena umabot sa 14-year low na 6.5% noong December 2022.

Ani Ricafort, makasusuporta ito sa “smaller future Fed rate hikes of about +0.25 as signaled recently by some Fed officials and by the markets.”

“The US CPI/inflation data is one of the most important economic data being monitored…. any further easing in the US CPI/inflation data would lead to reduced need for further Fed rate hikes/monetary tightening for the coming months, at the very least,” aniya.

Mula nang pumasok ang 2023, tumaas ng 86.5 centavos ang halaga ng piso mula nang magsara ito sa P55.755:$1 noong December 31, 2022. RNT/SA