Piso muling pinabagsak ng dolyar

Piso muling pinabagsak ng dolyar

February 28, 2023 @ 7:16 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling lumagapak ang piso laban sa dolyar na nagsara sa 55:51:$1 noong Pebrero 27.

Noong Lunes, ang lokal na pera ay nawalan ng 70 centavos sa greenback, na nagmumula sa 54:87:$1 sa nakaraang araw ng kalakalan.

“We have learned that US inflation is proving much stickier and US activity firmer than we were led to believe in December and January,” ayon sa isang komentaryo ng ING Bank.

Sinabi ng Dutch company na ang paglabas noong Pebrero 24 ng data ng inflation ng Enero — 6.4 porsiyento kumpara sa 6.5 porsiyento noong Disyembre — ay nagpatibay ng mga argumento na ang US Federal Reserve ay “needed to push [policy] rates higher and for longer.” RNT