Piso muling pinadapa ng dolyar: P59:$1

Piso muling pinadapa ng dolyar: P59:$1

October 11, 2022 @ 8:31 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagsara sa P59:$1 ang palitan ng piso kontra dolyar nitong Lunes, Oktubre 10, 2022.

Ito na ang ikatlong sunod na araw na all-time low na napadapa ang piso noong nakaraang linggo.

Kuha ni Danny Querubin

“The US dollar/peso exchange rate higher for the third straight day… after the latest gross international reserves data at new two-year lows at $95 billion and the net foreign direct investments data at new 14-month lows,” ani Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort.

Sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla noong Biyernes na hindi papayagan ng bangko sentral ang labis na pagbabagu-bago sa foreign exchange rate.

Sinabi rin niya na tinitingnan ng BSP ang pag-isyu ng mas maraming Central Bank bill (CBBs), sa layuning alisin ang labis na pagkatubig sa sistema ng pananalapi ng bansa. RNT