Piso nakabawi kontra dolyar, nagsara sa P57.97 vs $1

Piso nakabawi kontra dolyar, nagsara sa P57.97 vs $1

October 28, 2022 @ 7:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mas matatag ang pagsasara ng Philippine peso kontra US dollar sa pagsasara ng palitan nitong Biyernes, Oktubre 28.

Nagsara ang palitan ng piso kontra dolyar sa P57.97 katumbas ng $1 ayon sa datos ng Bankers Association of the Philippines.

Matatandaan na bumagsak ang halaga ng piso sa mga nakaraang linggo at umabot pa sa record low na P59.

Ayon kay BDO Capital President Ed Francisco sa panayam ng ANC, maaaring magsuporta sa local currency ang bilyong pisong halaga ng inward remittances sa nalalabing tatlong buwan ng taon.

“That would also, hopefully, relieve pressure for the peso…hopefully, things will settle down inflation will normalize across the world and there will be less pressure for the peso then,” ani Francisco.

Sa kabila nito, hindi pa rin niya inaalis ang posibilidad na bumagsak pa sa P60 ang palitan ng piso katumbas ng isang dolyar. RNT/JGC