Piso nakabawi vs dolyar

Piso nakabawi vs dolyar

November 24, 2022 @ 8:03 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakabawi nang bahagya ang piso na nagsara sa P56.94 kumpara sa US dollar.

Ito ay mula sa dating 57.375 na pagsasara noong Martes, ayon sa Bankers Association of the Philippines.

Tumaas ang piso nitong mga nakaraang linggo matapos bumaba sa kasing baba ng P59 sa dolyar noong unang bahagi ng Oktubre.

Sinabi ng mga analyst at ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang piso ay makakatanggap ng suporta mula sa mga overseas Filipino remittances, na karaniwang tumataas sa panahon ng Pasko.

“The stable peso will allow the pace of rate hikes to slow down so we expect only one more hike to 5.75 [percent],” ani Fitch Solutions Global Emerging Market Economist John Ashbourne.

Ang Monetary Board ng BSP ay nakatakdang magpulong muli sa Disyembre 15 at hanggang ngayon ay nagtaas ng mga rate ng 300 basis points ngayong taon na nagtutulak sa benchmark nito sa 5 porsiyento.

Samantala, maraming mga lokal na analyst ang umaasa na ang BSP ay magtataas lamang ng interest rates ng 50 basis points sa Disyembre. RNT