Piso sumadsad pa sa P59 vs $1

Piso sumadsad pa sa P59 vs $1

October 3, 2022 @ 6:32 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sumadsad pa ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagsasara ng palitan ngayong Lunes, Oktubre 3.

Nagsara ang palitan sa P59 halaga ng Philippine peso katumbas ng $1 na maituturing na panibagong record low.

Mas mababa ito sa naitalang record na P58.99.

Sa intraday trading naman, umabot pa sa P59.02 ang halaga ng piso sa maghapon noong Setyembre 28.

Inaasahan na lalo pang babagsak ang halaga ng piso kontra dolyar makaraan magpakita ng senyales ang US Federal Reserve ng mas marami pang rate hikes simula Nobyembre. RNT/JGC